Home Headlines Nakumpiskang hot meat ginawang fertilizer at fish meal

Nakumpiskang hot meat ginawang fertilizer at fish meal

395
0
SHARE
Ang mga nakumpiskang hot meat sa warehouse sa Boston street. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MEYCAUYAN — Ginawang fertilizer at pagkain sa isda ang nasa 14 na toneladang imported na expired meat na nakumpiska sa isang warehouse sa Meycauyan Industrial Subdivision.

Dalawang araw na ipoproseso sa isang National Meat Inspection Service-accredited facility sa Barangay Malawak sa bayan ng Bustos ang mga nakumpiskang imported na expired na karne. Matapos ang rendering process ay maari na itong gamitin na fertilizer o fish meal.

Samantala, sinabi ng city government na walang permit sa kanila ang mga nasabing warehouses na magkakasunod na ni-raid ng Bureau of Customs at Department of Agriculture.

Ayon kay Pia Ramirez-Delos Santos, city administrator, iisa ang may-ari ng warehouse at business owner sa ni-raid sa Atlanta at Boston street. Nag-apply lang ito ng business permit para sa warehouse sa Boston street ngunit hindi naman nagtuloy sa pagpo-proseso.

Kayat ang mga record na naisumite nito ang naging batayan ng business permit and licensing office na imbestigahan ang warehouse sa Boston street at natuklasan na may dati na pala itong reklamo.

Napag-alaman nila na sa kabila na ito ay walang permit ay patuloy na nag-ooperate at may mga lumalabas doon na mga container van kaya;t ikinasa ng Meycauyan LGU ang raid kasama ang PNP, BOC, at DA.

Dito ay nakumpiska pa ang 14-libong kilo ng expired frozen meat na nagkakahalaga ng P2.8 million at tatlong container van.

Lumabas din sa imbestigasyon na may mga karne dito ng kumpanyang Tonnie’s na mula sa bansang Germany na nauna nang ipinagbawal ang pagpasok sa bansa dahil sa banta ng African Swine Fever. 

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Meycauyan LGU sa kasong isasampa laban sa mga business at warehouse owners na natuklasan na nagbebenta ng mga expired frozen meats.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here