Nakiisa ang Bulacan sa National Flag Day

    671
    0
    SHARE
    BULAKAN, Bulacan – Nakiisa ang lalawigan ng Bulacan sa pagdiriwang noong Biernes ng National Flag day kung saan kasama ang naturang lalawigan sa mga sagisag ng araw sa watawat.

    Ayon sa Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan o SAMPAKA, magmula pa noong panahon ni pangulong Diosdado Macapagal ay pinagdiriwang na ang National Flag day.

    At ng panahon ni dating pangulong Fidel Ramos ay isinulong ang isang linggong pagdiriwang nito.

    Kung tutuusin umano ay sa Bulacan unang ipinagdiwang ito, ang araw ng watawat ng Pilipinas noong Unang Kongreso ng Pilipinas.

    Nilagyan anila ng mga bandila ng bansa ang kahabaan ng Paseo Del Kongreso mula Simbahan ng Barasoain hanggang Malolos Cathedral.

    Ayon pa sa SAMPAKA, Mayo 28, 1898 unang winagayway ang watawat ng bansa ni Hen. Emilio Aguinaldo sa Muevo Cavite na ngayon ay Lungsod ng Cavite na bahagi naman ng labanan sa Alapan sa Imus Cavite.

    Sa pamamagitan anila ng National Flag Day ay nais ipaalala ng gobyerno na ang watawat ay sagisag ng kalayaan ng Pilipinas na minsang ng pinigilan ang pagbabandila nito noong panahon ng Amerikano.

    Ang bandila anila ang isang matibay na ala-ala ng tagumpay ng kalayaan ng bayan.

    Sa pagdiriwang nito sa buong Pilipinas, ay taunan ng nakikisabay ang Bulacan.

    Kaugnay nito ay panawagan ng SAMPAKA na galangin ang bandila at maging ang Lupang hinirang dahil sa may batas na nagsasaad na galangin ito.

    Mahigpit ding pinagbabawal ang pagsabit ng mga kupas na watawat ngunit dahil sa kakulangan ng pondo ay naisasabit pa rin ang mga lumang watawat sa mga eskwelahan at ahensya ng gobyerno.

    Matatandaang naging kontrobersyal ang pag-awit ng Lupang Hinirang matapos baguhin ng ilang mang-aawit ang himig nito sa mga Pacquiao fights.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here