Nakaw na motorsiklo narekober

    319
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY – Nabawi ng mga tauhan ng Zambales Provincial Highway Patrol Team (ZPHPT) ang isang motorsiklo na ninakaw ng di kilalang suspek habang ito ay nakaparada sa Caimito St., Barangay Barretto sa lungsod na ito.

    Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Provincial Officer, Sr. Inspector Isabelo Ganao ang motorsiklo na may plakang 7063-PM ay naka-registered sa pangalan ni Albert Chavez ng No. 436 Calbayog St., Higway Hills, Madaluyong City.

    Ayon kay SPO3 Marlon Agno, ang nasabing motorsiklo ay isinailalim sa “voice alarm” matapos itong mawala noong February 15, 2013.

    Sa isinagawang follow-up operation ng team na pinamunuan ni SPO3 Urfendo Abadilla, kanilang natunton ang kinaroroonan ng motorsiklo na inabandona sa tapat ng Sally sari-sari store sa No. 59-E Gabaya St., Barangay Barretto, Olongapo City.

    Ang motorsiklo ay nasa custody ng ZPHPT at isasailalim ng crime laboratory para sa micro-etching examination.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here