NAGKARUN ng lakas loob si De Lima
sa isyung kay PNP Chief Dela Rosa
at kay Duterte sa pag-reinstate nila
sa isang opisyal na sangkot sa droga
Na naging laman ng mga pahayagan,
balita sa radyo, TV, at iba pang
mga ‘media outfi t’ na mapanaligan,
liban sa may pakpak ang ‘word of mouth’ minsan.
Kaya nga’t marahil sa buong akala
ng butihing Solon na sobra ang dada
ay madali n’yang gayahin ng kusa
ang katulad nitong na-reinstate bigla?
At kaya posibleng kampante lang siya
kahit batid nitong ang pagkasangkot niya
sa ‘illegal drug trade’ sa Munti sapat na
para patalsikin siya ng Kamara?
Pero nang dahil nga sa siya’y nakasilip
ng butas, gaano man ito kaliit
Iyan ang tiyakang kanyang igigiit
Sukdang maglubid ng buhangin ang bwisit!
Naturingan mandin na napakataas
ang edukasyon n’yan, pero isdang kapak
ang kapara nito o kahalintulad,
na lasang gilik at ng mabahong burak?
Ipagpalagay na nating maabsuwelto
sa isyu ng droga at protector mismo
ng mga ‘inmates’ na may negosyo nito
sa loob ng Munti dahil matalino
Pero sa isyu r’yan ng pangangalunya
at pakikiapid sa di niya asawa,
‘yan sa bilangguan ang hantungan niya,
sanhi na rin nitong umamin na siya.
Asa mo’y kung sinong Santang ubod linis
ngunit sa isang banda siya’y naging “kabit”
ng ‘driver/bodyguard,’ niyang pinagpalit
din n’yan bandang huli sa higit ang kisig?
Yan ba ang klase ng opisyal na dapat
igalang at sundan pati kanyang yapak
para maging tao na may moralidad
at may karangalan sa mata ng lahat?
At ganito rin ba ang maituturing
na galamay mandin ng hustisya natin,
subalit sa likod ng kanyang pagiging
honorable dapat pero talusaling?
At sino pa kaya sa buong akala
ni Madam De Lima ang maniniwala
na nagsasabi siya ng tapat sa madla
matapos ang lahat at pag-aming kusa
(Sa harap ng bayan,) na si Ronnie Dayan
at siya’y nagsalo sa bawal na dulang
ng kamunduhan at pag-ibig na bawal,
O ‘illicit aff air’ sa salitang hiram?
At sa akala rin kaya ni De Lima
ay marami itong nasa panig niya
na naniniwalang hindi nagkasala
ng mabigat yan sa ating Republika?
Sa totoo lang ay kung nagsasalita
si De Lima ay di mapigil ni Inda
ang binyagan yan ng masamang salita
kapag nakikinig siya ng balita
Nang hinggil sa dating ‘Justice Secretary’
mapa’ sa radyo at telebisyon pati;
At ang palagi pa nitong sinasabi:
“Asna ka kalaram, mate na ka ngeni”!