Nakakaiyak naman pala ang buhay na pinagdaanan ni Romano Vasquez bilang drug user

    427
    0
    SHARE

    Umiikot na naman sa mainstream si Romano Vasquez. We got to meet this once-upon-a-time-popular young talent from That’s Entertainment of Kuya Germs, sa birthday party ni Roldan Castro sa R Bistro.

    Kimupirma sa amin ni Romano na true yung napasulat sa kanya na halos naging taong grasa na lang siya noong panahong lulong siya sa bawal sa gamot.

    Totoo rin daw na nalustay ang milyong kinita niya sa kanyang kasikatan at kung hindi pa dahil sa mga taong kinandili siya, hindi magbabago ang takbo ng kanyang buhay.

    “Ayaw ko na, ayaw ko na talagang ulitin ang mga pagkakamali ko. Natikman ko na yan, alam kong nakasama sa akin at mas lalong ayaw kong muling mapirawa,” sabi pa ni Romano sa amin.

    Sa ngayon daw, concentrated siya sa second wind ng kanyang career. Kahit paano raw, maraming tao nga ang susuporta sa kanya, umaasa raw siyang makabalik siyang muli sa eksena.

    “Basta ngayon, concentrated ako, gusto kong magbalik sa showbiz. Gusto kong maging part ng telebisyon industry, sana dumami pa’ng taong tutulong sa akin,”sabi pa nito.

    Romano, according to him is engaged in some small business ventures.  “Kahit paano, malaki rin ang capital, sana naman umasenso, sana mabalik ang puhunan,” sabi pa nito.

    Gustong gusto namin yung kuwento ni Romano kung paano niya natikmang magsisi at ayawan na nang tuluyan ang pagiging addict.  “Nawalan ako ng pera. Nasa bahay ako ng tulak ko, sa ilalim mesa ako natutulog.

    Hindi alam ng mga taong gumagamit doon na andun ako sa ilalim ng mesa, doon na ako natutulog dahil wala na akong ganang umuwi pa.

    Umiiyak ako, ano ba ang buhay ko, bakit ako ganito, ang alam ko, tinitilian ako, kahit paano, sikat ako, kahit paano may pumapalakpak sa akin kapag nagpe-perform ako, pero nasaan ako, nasa ilalim ako ng mesa at walang wala.”

    So yun daw talaga ang naging wake up call niya para ma-realize at magbago na.

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here