Naiibang Christmas decor sa 2 plaza ng Bataan, matatapos na

    560
    0
    SHARE
    BALANGA CITY, Bataan – Halos matatapos na ang naiiba at kapansin-pansing dekorasyong pamasko sa plaza ng dalawang bayan sa Bataan.

    Ikinakabit na ang malalaking replika ng mga anghel na singlaki ng tao sa plaza ng siyudad ng Balanga kung saan makikita ang mga rebulto ng mga santo sa harapan ng St. Joseph Cathedral.

    Ang mga “anghel” ay nakalagay sa mga cone-shaped platforms na gawa sa buho na ang buong plaza ng Balanga ay napapalamutian.

    Sa bayan naman ng Abucay na halos apat na kilometro ang layo sa Balanga ay mapapansin ang higanteng berdeng-berdeng Christmas tree sa mismong liwasang bayan nito.

    Ang Christmas tree ay mataas pa sa dulo ng flagpole at sa mga kawad ng kuryente na nagsalimbayan.  Ilang metro ang layo ay tanaw na tanaw ang pinakamatandang simbahan ng mga Dominicano sa Bataan, ang Abucay Church.

    Ang dambuhalang Christmas tree ay nakikipagpaligsahan sa taas sa tore ng simbahan at mas higit na mataas sa kalapit na Abucay municipal hall.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here