NAHULIHAN NG BARIL
    Civilian agent ng Army kulong

    406
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY – Nakakulong ngayon ang isang civilian agent ng Philippine Army matapos itong mahulihan ng baril sa isang Comelec check point sa Barangay Barretto dito.

    Kinilala ni Senior Supt. Christopher Tambungan, city police director, ang suspek na si Ricardo Madeja, 36, residente ng Barangay Calapandayan, Subic, Zambales.

    Ayon sa ulat dakong 11:30 ng gabi, isang grupo ng mga pulis na pinamunuan ni Senior Inspector Gil Domingo, hepe ng Police Station 6, ay nagsasagawa ng check point ng mapadaan ang suspek gamit ang motorsiklo na walang plaka.

    Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpakilalang civilian agent ng 7th Infantry Division ng Philippine Army, Port Ramon Magsaysay, Nueva Ecija ang suspek at lisensyado umano ang kanyang dalang baril at may mission order ito.

    Subalit ng hanapan siya ng “exemption certificate” galing sa Comelec, wala siyang maipakita sa mga awtoridad.

    Narekober sa suspek ang isang kalibre 9mm pistol na may dalawang magazine na naglalaman ng may 13 na bala bawat isa.

    Ang suspek ay nasa custody na ng Police Station 6 ng Olongapo City Police Office at nahaharap sa kasong paglabag sa Comelec Resolution 9313 (Omnibus Comelec Gun Ban).

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here