Home Headlines Nagwagi sa halalan sa Ecija proklamado na

Nagwagi sa halalan sa Ecija proklamado na

134
0
SHARE

CABANATUAN CITY – Pormal nang nag-adjourn ang provincial board of canvassers ng Nueva Ecija matapos mai-proklama lahat ng nagwaging kandidato sa mga posisyon sa lalawigan.

Ayon kay Atty. Rommel Rama, tinapos ang kanilang proseso nitong Martes ng hapon at ipadadala na sa Commission on Elections national office ang mga ginamit na dokumento at kasangkapan, katulad ng laptop, na ginamit sa canvassing.

Batay sa resulta ng botohan na ginanap nitong May 12, muling nahalal para sa kanyang ikatlong termino si Gov. Aurelio Umali kasama ang kanyang kuya na si Lemon Umali bilang bise gubernador.

 

Tinalo ng magkapatid na Umali sina dating Gen. Tinio Mayor Virgilio Bote at dating Vice Gov. Edward Thomas Joson, para sa punong lalawigan at pangalawang punong lalawigan, ayon sa pagkakasunod.

Ang maybahay ni Gov. Umali na si dating gubernador at dating congresswoman Cherry Umali ay natalo kay dating Cabanatuan City mayor at kasalakuyang Vice Mayor Jay Vergara.

Nanatiling kongresista sina Nueva Ecija 1st District Rep. Mika Suansing at 4th District Rep. Emerson Pascual matapos magwagi laban sa kani-kanilang katunggali.

Magiging bagong miyembro naman ng Kongreso sina San Jose City Mayor Mario Salvador at dating Cabanatuan City Mayor at kasalakuyang Vice Mayor Jay Vergara nang talunin ang kani-kanilang kalaban para sa ikalawa at ikatlong distrito, ayon sa pagkakasunod.

Sa lungsod na ito ay wagi para sa kanyang ikatlong termino si Mayor Myca Elizabeth Vergara laban kay incumbent Vice Gov. Emmanuel Anthony Umali.

Si Vergara ay anak ng bagong halal na kongresista samantalang si Umali ay kapatid ng gubernador.

 

Ayon kay Col. Ferdinand Germino, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, naging maayos at mapayapa sa pangkalahatan ang national at lokal elections sa lalawigan. Photos: PIA-3 FB page

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here