Isyung umaatikabo sa showbiz ‘yung hiwalayan blues nina Dingdong Dantes at Karylle something. Pinag-uusapan din ‘yung tatsulok nina Bea Alonzo, Roxanne Guinoo at Jake Cuenca.
Sa dalawang istorya, kontrabida siyempre sina Marian Rivera na sinasabing kasintahang bago ni Dingdong Dantes at Bea Alonzo na siya namang ipinalit ni Jake kay Roxanne.
‘Yung kina Dingdong at Marian ay pareho pang idene-deny. Hindi raw sila mag-on na kesyo walang kinalaman si Marian kahit na nag-break sina Karylle at Dingdong.
Si Bea naman, umaaming sila na ni Jake pero aniya, alam niyang single na si Jake nang sagutin niya ito.
Heto na nga at nag-issue na ng statement kapuwa sina Bea at Marian kaugnay ng kinasuungan nilang kontrobersya. Tunghayan po natin kung ano ang sinasabi nila.
“Huwag na sana akong i-drag sa away nina Jake at Roxanne, hindi ako kasali sa gulo nila!” – BEA ALONZO
“Ang sa akin, dapat hindi na dina-drag ang pangalan ko, kasi pumasok naman si Jake sa buhay ko, wala akong boyfriend, wala siyang girlfriend. So, parang wala naman akong kasalanan kung may nangyari man o wala.”
Pero sa tingin ba niya, capable si Jake na manakit tulad ng napapabalitang ginawa raw nito kay Roxanne?
“Hindi ko alam. Kasi, kahit siguro gaano mo katagal kakilala ’yung isang tao, hindi mo pa rin siya puwedeng maging kilalang-kilala, alam mo ’yon?
“Masasabi ko, sa mga ipinakita niya sa akin, I don’t think he’s capable of doing that.”
Yung sinasabing nagkaroon din sila ng confrontation ni Roxanne, ani Bea, lalong walang katotohanan.
“’Yon, that really never happened, walang ganu’n talaga,” she said.
Natanong din sa young actress kung naging unreasonable ba si Roxanne na magselos sa kanya.
“Hindi, kasi feelings niya ’yon, eh, ’di ba? Hindi ko alam kung ano ’yung pinanggagalingan niya, kung anuman ang naging rason, ’di ba? Wala akong karapatan na i-judge siya for anything.”
May mga nagsasabi ring bakit nananahimik si Jake at hindi lumalabas para ipagtanggol ang dalawang babae, pero ayon kay Bea, magsalita man o hindi ang young actor ay walang problema sa kanya.
“All I can say lang naman is please, don’t drag me sa issue. Kung lilinisin niya ang pangalan niya at pangalan namin, okay lang. Kasi para sa akin, it’s not the name, it’s not the image, it’s the real story, it’s the truth.”
Kumusta naman sila ni Roxanne?
“The last time na nakita ko siya was sa pictorial for the cover of Star Studio Magazine, she was there, I was so early, because maaga ako natapos. Tapos, ’yun na nga, andu’n siya. She was quiet, siguro pagod siya or whatever.
“Pero hindi naman talaga kami naging super close or super chika, so, it was a normal day. Kung anuman ’yung sinasabing tensyon, hindi ko na-feel ’yon kasi nga, hindi naman ako guilty.”