Home Headlines Nagpanggap na kawani ng SSS arestado sa online scam

Nagpanggap na kawani ng SSS arestado sa online scam

274
0
SHARE

CABANATUAN CITY — Arestado ang isang 65-anyos na ginang mula sa Sto. Domingo, Nueva Ecija matapos umanong magpanggap na kawani ng Social Security System online at nakapambiktima ng isang babae na residente ng Itogon, Benguet kamakailan.

Sa pagpapanggap na SSS employee ay nagawa umano ng suspek na hingin ang mahahalagang detalye ng Google Play Store account ng biktima at nagamit ito upang bumili ng Apple iPad 10th Generation na magkakahalaga ng P34,062 sa pamamagitan ng Shoppe Spay Later.

“The caller deceived her into accessing her Google Play Store account, unknowingly compromising her credentials and linked financial accounts such as G-Cash and Shopee,” ayon kay Col. Ferdinand Germino, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office.

Ang pag-aresto sa suspek nitong Feb. 12 ay isinagawa ng magkasanib na operatiba mula sa anti-cybercrime units ng pulisya ng Cordillera-Baguio, Ifugao, Abra, at Sto. Domingo (Nueva Ecija).

Sinabi sa pulisya ng 45-anyos na biktima na naibigay niya ang kanyang mga impormasyon sa internet dahil sa pagpapakilala ng suspek na kawani ng SSS.

“The delivery address was traced back to the suspect’s residence using her personal cellphone number,” paliwanag ni Germino.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang mobile phone na kinalalagyan ng SIM na di-umano ay ginamit sa panggagantso at pag-tanggap ng biniling parsela.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa RA 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998), as amended ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Nagpaalala si Germino sa publiko na maging maingat at iwasan ang pagbibigay ng mga sensitibong impormasyon. 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here