Nagpalitan ng mamahaling regalo sina Dingdong Dantes at Marian Rivera

    423
    0
    SHARE
    Walang duda, sina Dingdong Danttes at Marian Rivera na nga. Kung noon, marami pa silang ek na kesyo ganyan at ganito, ngayon, all out na sila to show the world na sila na nga.

    At least ngayon, napatunayan naming true yung siyete sa amin ng isang board member sa Quezon Province na talagang noon pa mang Agosto, magka-on na sina Marian at Dingdong. Walang gusting maniwala sa amin noon at pati na sina Marian at Dingdong, they denied na sila na nga. But we kept our grounds dahil nga very reliable yung board member na source namin. Kasi nga, best friend ni Dingdong si board member na hindi na namin babanggitin ang pangalan ngayon.

    E di sina Dingdong at Marian na nga. Hindi na raw sila naghihiwalay as in kapag wala’ng isa, malungkot ang isa. Kumbaga, most of the times, magkasama na sila.

    And take note, talagang bawat isa sa kanila ay pumupunta nasa kanya-kanyang bahay at talagang nakiki-bonding sila.

    Sabi nga ni Marian, her lola raw is looking forward sa bawat pagdating ni Dingdong sa bahay nila. At si Dingdong naman, talagang naii-imagine na niya ‘yung masasarap na luto ng lola ni Marian. Menudo raw angapboirito ni Dingdong sa mga niluluto ng kanyang lolang hilaw.

    Oks na oks, di po ba?

    At heto pa, to prove na talagang sila nga, nagpapalitan na sila ng mamahaling regalo. Kailan lang si

    Dingdong ay nagregalo ng isang milyong worth ng diamond-studded bracelet. At si Marian, isang omega watch naman na halos milyon din ang halagang bigay kay Dingdong.

    O di ba, may ma-say pa kaya kayo riyan?

    Kaya lang, hanggang ngayon, ayaw umamin ng dalawa. Nagdi-dilly dally pa rin ang sinoman sa kanila pag tinatanong kung silang dalawa na nga.

    But never mind, sa showbiz kasi, pag sinabing hindi, yes ang ibig sabihin noon.

    Whatever, marami ang natutuwa dahil bagay na bagay naman sina Dingdong at Marian.

    Di po ba?



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here