Naghihirap at sa barong-barong nakatira? Blakdyak lulong sa drugs?

    418
    0
    SHARE
    Nagtataka si Blakdyak kung saan galling ang mga intriga tungkol sa kanya. Kesyo naghihirap na raw siya. Kesyo nagda-drugs kaya wala ng gustong kumuha.   Kay nilianw niya saa presscon ng kanyang 4th novelty/reggae album, ang  Blakdyak‘s Tribe Sino Ba? featuring Dyaryo na produced ni  Madam Helen Cruz and Sir Bob Cruz and co-produced by Twinkle 21Production, distributed by Viva Recording Company ang lahat.

    “Ako naghihirap? Ha-ha-ha! Mukha ba akong naghihirap? Hindi totoo ‘yun. Hindi ako puwedeng maghirap dahil lima ang anak ko. Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko, para sa future ng mga anak ko.

    “Kaya nga mas pinili kong mag-show abroad, kasi kahit paano ay malaki ang kita at makakaipon talaga ako

    “Pati nga ‘yung isyu na nakatira na ako sa barong-barong ‘di ko alam kung saan galing, dahil ang totoo kalilipat pa lang namin sa bago naming bahay na worth P7-Million, ‘yun ba ang sinasabi nilang barong-barong.

    “Siguro tingnan na lang nila ‘yung bagong bahay namin at saka nila sabihin na nakatira ang pamilya ko sa barong-barong,” walang patlang niyang paliwanag.

    “Iyong sinasabi naman nila na walang kumukuha sa akin dahil unprofessional ako, roon naman sila mali. Kasi, kaliwa`t kanan ang mga show ko. Ni minsan hindi ako nabakante, kaya nga umabot sa puntong nagkasakit na ako dahil sa sobrang dami ng trabaho.”

    Right now, happy si Blakdyak sa takbo ng kanyang career, dahil bukod sa sunod-sunod na shows nito, masaya niyang ibinalita ang kanyang 4th album na Blakdyak‘s Tribe Sino Ba? featuring Dyaryo.

    “Kung dati sanay sila na solo ako, ngayon kasama ko ang aking tribu na binubuo nina Danilo Santos (percusision), Paul Lauricio (1st Guitar ), Aying Sayson ( 2nd Guitar), Milo Ranes (Bass player), Jeson Davila (drummer) and Noel Baniqued  (Keybordist), na almost 18 years ko nang kasama.”

    Abangan na lang daw nila ang Blakdyak Tribes sa kanilang series of  shows para mag-promote ng kanilang album sa  October 15 sa Cowboy Grill Biñan, Laguna; Oct 17 album launching sa Cowboy Grill Malate; Oct 23, Cowboy Grill, Las Pinas; Oct. 24, Puerto Prinsesa, Palawan; Oct. 27, Pagcor Tagaytay; Oct. 30,  at Cowboy Grill Las Piñas; Nov. 20, Padis Point Novaliches; Nov.27, Padis Point Alabang; Nov. 9,  Pagcor Angeles; at Nov. 30, Padis Point Edsa Shaw.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here