Sa ngayon daw, solved na siya sa pagkakaroon ng isang indie movie. Kasalukuyang palabas kasi ngayon ang Tubero, where Jhep went very far in exposing some very private parts of his anatomy. “Kailangan po, tito, alam ko namang kaya nila ako kinuha ay para dun so, bumigay ako. Ang kapalit naman ay isang break na puwede ko nang maging puhunan,” salaysay pa nito.
Sa ngayon, naghihintay pa rin daw si JC or Jhep, upang kahit paano ay hindi naman masayang ang mga pagbuyangyang niya. “I am hoping na may kapalit ang kahihiyan ko, sana mapansin ako, sana mapabilang ako sa mainstream. Mahirap, pero yan po ang anbisyon ko, ang kilalaning tunay na artista sa tunay na kahulugan nito.”
Very well said, di po ba?
Actually, ganoon naman talaga kagaling magsalita si Jhep.
Noong kontesero pa siya sa mga personality at bikini contests, lagi siyang standout dahil nga mahusay siyang magsalita. At siyempre, madali siyang mapasin ng mga hurado dahil sa angkin niyang physical attributes.
We wish, kasabay ng mga dasal na sana nga, palarin ang isang nangangarap na maging isang malaking bituin sa hinaharap.
Sa tulong ng mga taong sumusuporta sa kanya.