Home Headlines Naghahain mg COC sa Nueva Ecija madalang

Naghahain mg COC sa Nueva Ecija madalang

564
0
SHARE
San Jose City Mayor Mario Salvador. Kuha ni Armand Galang

LUNGSOD NG CABANATUAN — Nananatiling matumal ang sitwasyon sa filing ng certificate of candidacy (COC) sa Nueva Ecija office of the provincial election supervisor (OPES) hanggang nitong Miyerkules ng tanghali. 

Anim pa lamang ang naghahain ng COC sa OPES, Kabilang ang dalawang aspirante sa magkahiwalay na congressional districts ng lalawigan.

Batay sa record ng OPES, tanging si incumbent Gov. Aurelio Umali ang nagsampa ng COC para sa kanyang reeleksiyon.

Ka-tandem ni Umali ang kanyang nakababatang kapatid na si Gil Raymond para bise gubernador. Nag-file na rin si dating congresswoman at governor Czarina Umali, maybahay ng kasalukuyang punonglalawigan, at Jay Ilagan III para sa sangguniang panlalawigan, kapwa ng ikatlong distrito.

Sina Umali ay naghain ng kandidatura sa pamamagitan ng representative nitong Martes.

Para sa ikalawang distrito, si San Jose City Mayor Mario Salvador ng Partido Federal ng Pilipinas ang naghain ng COC sa pagka-kongresista at SP member naman si dating city councilor Joseph Ortiz na dati na ring naupo sa nasabing posisyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here