Nawalan ng boses si Regine Velasquez sa nakaraang Silver concert niya sa SM MOA Arena last Friday dahil sa viral infection. Na-cut short ang inihanda niyang 2 ½ hours show, may ibang songs na hindi na niya nakanta.
Tinawag ni Regine sa stage sina Vice Ganda at John “Sweet” Lapus para kundi man daw siya makakanta, at least ma-entertain ang tao na pinanood ang 25th anniversary concert at first major concert niya after five years.
Isa sa most touching scenes sa concert ay nang umakyat sa stage si Mang Gerry habang karga ni Regine si Baby Nate. Ang daming naluha sa eksenang ’yun.
Dahil alam niyang na-disappoint ang audience, in-announce ni Regine na bago matapos ang taon, magbibigay siya ng free concert sa lahat ng nasa SM MOA Arena noong Friday, kaya itago n’yo lang ang tiket niyo.
Ang maganda pa, in-offer ng free ng SM MOA management ang venue, kaya wala nang dapat isipin si Regine, kundi magpagaling at ulitin ang Silver concert.