SAN ANTONIO, Zambales – Naaagnas na at halos hindi na makilala ng matagpuan ng mga mangingisda ng barangay San Miguel sa bayang ito ang magkapatid na mangingisda na nawawala simula pa noong Nobyembre 27 sa bayan ng San Felipe, Zambales.
Kinilala ang magkapatid na sina Eduardo at Amado Alcasid pawang mga residente ng barangay Maloma, San Felipe, Zambales.
Ayon kay FARMC Chairman Medardo Agasa, papalaot sila kasama ang iba pang mangingisda ng matagpuan ang magkapatid na lumulutang bandang alas 3 ng hapon, may limang kilometro ang layo sa Capones Island sa barangay Pundakit, San Antonio, Zambales.
Nauna ng narekober ang bankang demotor ng magkapatid matapos na mapaulat ang kanilang pagkawala.
Nabatid pa sa ulat na ang mga biktima ay pumalaot noong Nobyembre 27 sa tapat ng barangay Laog, Cabangan, Zambales at may hinala ang mga mangingisda na posibleng nahulog ang magkapatid habang tumatakbo ang bangka sa gitna ng laot.
Ang mga biktima ay mag-iisang linggo ng nawawala bago ito tuluyang natagpuan ng kapwa mangingisda.