SUBIC, Zambales – Nagsisimula ng maagnas ang hubot-hubad na bangkay ng isang hairdresser nang maamoy at matagpuan ito na nakalibing sa tabi ng Progressive Center sa Barangay Wawandue sa bayang ito.
Kinilala ni Senior Inspector Jelson Dayupay, ang biktimang si Rafael Capor, 43, tubong Caloocan City at nanunuluyan sa Sitio Ibayo, Barangay Wawandue.
Sa imbestigasyon ni SPO2 George Cruz, huling nakita ang biktima noong March 20, 2012 ganap na alas-9:00 ng gabi at magmula noon ay hindi na umuwi sa bahay ng kanyang kaibigan na si Rowena Caligua kung saan nakatira ang biktima.
Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, dalawa sa mga suspek na nasa edad na 13 at 16-anyos ang nasakote ng pulisya at sila ay nahaharap sa kasong murder.
Ang mga suspek ay nasa custody ng Subic police at nakatakda itong dalhin sa Regional Youth Rehabilitation Center sa Magalang, Pampanga.