Kasi nga, kaugnay ng pagpapaalis
Ni EdPam sa lahat ng ‘informal settlers’
Kung saan ‘five thousand pesos’ ang kapalit
Ng pagpayag nilang kusa nang aalis.
Ay naging madali naman at maayos
Ang lahat ng doo’y ginawang pagkilos;
Kaya’t masasabi nating ‘so far, so good’
Wala ni anumang sumiklab na gusot.
At bagama’t tila mayrung nagparamdam
Ng di pag-sangayon sa utos ni EdPam,
Sa pangkalahatan ay naging mainam
Ang resulta base sa aming panayam.
Dala ng mahusay na pamamalakad
Ng ‘the best city Dad Angeles ever had;’
At kung saan ang ‘peace & order’ ng siyudad
Ang mas binibigyan niya ng prayoridad.
Sapagkat kung sila ay di nahikayat
Ni Mayor sa paraang katanggap-tanggap,
Mahihirapan na marahil ang siyudad
Bago magawa n’yan kung ano ang dapat.
O mabigyan lunas itong tuloy-tuloy
Na pagdami sa Angeles city nitong
‘Informal setllers’ na ating tinutukoy
Na nagawan na ng karampatang aksyon.
Upang matigil na itong nagtitirik
Ng barung-barong o kubong maliliit,
Kahit sa ilalim lang ng Hensonville bridge
At ibang lugar na lubhang mapanganib.
Na kung hindi naging maagap ang siyudad
Sa pagpapaalis ng mga nag-‘squat’
Na Badyao sa lugar, di malayong lahat
Ng tinitirhan n’yan tangayin at sukat
Ng rumaragasa at napakabilis
Na pag-agos nitong nagwawalang tubig,
At kung saan pati maliliit na ‘creek’
Ay lubog kapag ang tag-ula’y sumapit
At bagama’t mabilis din ang pagkati
Ng tubig baha ay malimit mangyari,
Na may insidente na inanod pati
Ang tinitirhan ng malapit sa tabi.
Ng ilog o sapa, kaya bago pa man
Sumapit ang kasagsagan ng tag-ulan,
Dagling kumilos ang kinauukulan
Upang gibain na ang mga bahay niyan.
Na kung di lang bunsod ng tibay marahil
Ng kanyang matatag na ‘political will,’
Sa palagay kaya nati’y kakayanin ,
Ni EdPam ang pasyang pilit paalisin
Ang kagaya nitong umano’y voting bloc
Na kasing dami na yata ng ‘Church of Christ,’
At ngayo’y tiyak nang nawala at sukat
Matapos lisanin ng Badyao ang siyudad?
Sa puntong naturan ay marapat lamang
Na maging ‘aware’ ang pamahalaan
Ng alin mang lungsod, bayan at barangay
Sa nandarayuhan sa kanilang lugar.
Partikular na sa dumating at sukat
Sa ‘ting pamayanan, at kamukat-mukat
Ay nagtatayo ng masilungan agad
Sa gilid ng ilog o isang ‘vacant lot’
Upang malayo sa malubhang problema
Na posibleng kaharapin natin basta,
Gaya nitong libre na nga’t di umupa
Para lang lumayas, babayaran mo pa?
Ni EdPam sa lahat ng ‘informal settlers’
Kung saan ‘five thousand pesos’ ang kapalit
Ng pagpayag nilang kusa nang aalis.
Ay naging madali naman at maayos
Ang lahat ng doo’y ginawang pagkilos;
Kaya’t masasabi nating ‘so far, so good’
Wala ni anumang sumiklab na gusot.
At bagama’t tila mayrung nagparamdam
Ng di pag-sangayon sa utos ni EdPam,
Sa pangkalahatan ay naging mainam
Ang resulta base sa aming panayam.
Dala ng mahusay na pamamalakad
Ng ‘the best city Dad Angeles ever had;’
At kung saan ang ‘peace & order’ ng siyudad
Ang mas binibigyan niya ng prayoridad.
Sapagkat kung sila ay di nahikayat
Ni Mayor sa paraang katanggap-tanggap,
Mahihirapan na marahil ang siyudad
Bago magawa n’yan kung ano ang dapat.
O mabigyan lunas itong tuloy-tuloy
Na pagdami sa Angeles city nitong
‘Informal setllers’ na ating tinutukoy
Na nagawan na ng karampatang aksyon.
Upang matigil na itong nagtitirik
Ng barung-barong o kubong maliliit,
Kahit sa ilalim lang ng Hensonville bridge
At ibang lugar na lubhang mapanganib.
Na kung hindi naging maagap ang siyudad
Sa pagpapaalis ng mga nag-‘squat’
Na Badyao sa lugar, di malayong lahat
Ng tinitirhan n’yan tangayin at sukat
Ng rumaragasa at napakabilis
Na pag-agos nitong nagwawalang tubig,
At kung saan pati maliliit na ‘creek’
Ay lubog kapag ang tag-ula’y sumapit
At bagama’t mabilis din ang pagkati
Ng tubig baha ay malimit mangyari,
Na may insidente na inanod pati
Ang tinitirhan ng malapit sa tabi.
Ng ilog o sapa, kaya bago pa man
Sumapit ang kasagsagan ng tag-ulan,
Dagling kumilos ang kinauukulan
Upang gibain na ang mga bahay niyan.
Na kung di lang bunsod ng tibay marahil
Ng kanyang matatag na ‘political will,’
Sa palagay kaya nati’y kakayanin ,
Ni EdPam ang pasyang pilit paalisin
Ang kagaya nitong umano’y voting bloc
Na kasing dami na yata ng ‘Church of Christ,’
At ngayo’y tiyak nang nawala at sukat
Matapos lisanin ng Badyao ang siyudad?
Sa puntong naturan ay marapat lamang
Na maging ‘aware’ ang pamahalaan
Ng alin mang lungsod, bayan at barangay
Sa nandarayuhan sa kanilang lugar.
Partikular na sa dumating at sukat
Sa ‘ting pamayanan, at kamukat-mukat
Ay nagtatayo ng masilungan agad
Sa gilid ng ilog o isang ‘vacant lot’
Upang malayo sa malubhang problema
Na posibleng kaharapin natin basta,
Gaya nitong libre na nga’t di umupa
Para lang lumayas, babayaran mo pa?