Home Headlines Munisipyo, plaza at simbahan ng Orani nagniningning sa liwanag ng Christmas lights

Munisipyo, plaza at simbahan ng Orani nagniningning sa liwanag ng Christmas lights

598
0
SHARE

ORANI, Bataan — Humahatak ng maraming tao at nagsisilbing pasyalan sa gabi ang mga kaakit-akit na Christmas decoration sa municipal hall, plaza, at simbahan ng bayang ito.

Tampok ang mataas na Christmas tree sa harap ng munisipyo na parehong nagniningning sa liwanag mula sa mga makukulay na Christmas lights.

Napapalibutan ang plaza ng malalaking parol na may iba-ibang hugis samantalang naglambitin sa mga sanga ng malaking punong-kahoy at halaman ang mga Christmas lights.

Sa gitna ng plaza tila may imahen sa ilalim ng arko na hinubog sa mga Christmas lights.

Sa harap ng plaza may malaking pangalang ORANI na natatanglawan ng liwanag ng malalaking parol at LED lights.

Nababalot naman sa magandang Christmas lights ang Minor Basilica and Shrine Parish of Our Lady of the Holy Rosary o Orani Church na tila may nakasabit na Rosaryo sa itaas ng Simbahan. Mga larawang kuha ni Ernie Esconde

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here