Munisipyo binulabog ng bomb threat

    263
    0
    SHARE

    SAN ILDEFONSO, Bulacan—- Isang tawag sa telepono ng pananakot na may sasabog na bomba ang bumulabog sa municipal hall sa bayang ito Miyerkules ng hapon.

    Mag-aalas-2 ng hapon nang makatanggap ng tawag sa telepono ang empleyado ng munisipyo na si Raffy Vizconde.

    Isang lalaki ang nagsabi na may sasabog daw doon na bomba sa loob ng munisipyo. Agad namang pinagbigay alam ni Vizconde ang impormasyong ito sa mga kinauukulan at agad na nagsagawa ng evacuation sa mga empleyado.

    Matapos noon, dumating na ang bomb squad ng PNP. Umabot ng tatlong oras bago tuluyang nasiyasat ang paligid ng munisipyo. Alas-5 ng hapon ng araw ding iyon nang ideklara na ligtas na ang paligid. Ayon kay Rufino De Guzman, municipal administrator, ang panggugulo na ito ay nakakaapekto sa operasyon ng kanilang mga tanggapan.

    Panawagan nila na itigil na ang ganitong pananakot dahil nakakaapekto ito sa kanilang pagseserbisyo. Huwebes ay nagbalik na sa normal ang operasyon ng munisipyo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here