Open secret naman na sa totoong buhay, lovers sina JM De Guzman at Jessy Mendiola. Isang very reliable source ang nagkuwento sa amin na sa isa’t isa na lang umiikot ang kanilang mga mundo Nawalan na ng time si JM sa maraming bagay at tanging kay Jessy na ito nakatuon.
O well, tama lang naman ito sa isang banda, at least inspired si JM sa kanyang career. Ang pag-ibig, nakagaganda sa mundo ng sino man. We also would like to think na inspired din si Jessy Mendiola, kasi nga in love din siya kay JM De Guzman.
Pero kapuwa ayaw pang lumantad ng dalawa. At yun ay parang dikta ng kanilang management. The two are both talents of Star Magic at di siyempre gusto ng outfit na maging negative ang dating ng kanilang mga career dahil nga mya ibang plano ang management sa kanila.
Pero mukhang true na ang nararamdaman kapuwa nina Jessy at JM kaya kung minsan bara-bara na sila na di makaiwas na makita ng publiko.
“Sa bahay na lang sila madalas, sa condo ni JM sa malapit sa ABS, at least one call away nga lang sila.
Nakababad dun si Jessy at tila di buo ang buhay kung di sila magkasama ni JM,” sabi pa ng kausap namin.
Sa source din namin nalaman na hindi naman pala ganun kalaki ang kinikita ni JM De Guzman sa ngayon. Mas malaki pa rin daw ang gastos kesa kita niya. Malaki raw ang hulog nito sa kanyang sasakyan at malaki rin ang napupunta sa inupahang condo unit.
“Paano pa yung ibang gastos niya, kulang talaga, sa totoo lang, ganyan lang naman kaliit ang binibigay sa kanya ng Star Magic. Tapos, hindi naman lahat puwede niyang gamitin, yung iba talaga, mismong ang talent management ang nagtatago, para raw may maimpok,” impormasyon pa ng source.
Marami na raw nakapilang trabaho si JM De Guzman sa ngayon, hintay-hintay lang daw ang mga fans niya.
“Yung mismong kinikita niya sa Star Magic, kulang talaga, pero sana mabigyan siya ng mga endorsement, sa palagay ko dun na talaga siya kikita,” sabi pa ng aming kausap.
By the way, ipinagtanggol rin ng source namin si Nadia Montenegro na madalas daw nakababad sa condo ni JM.
Along with a daughter, inaakusahan ng kung anu-ano si Nadia, pero mismong si JM daw ang nagsasabing kaibigan niya ang pamilya ni Nadia at wala itong nakikitang masama kung magbabad man ito sa condo unit niya.
So there!