Home Headlines Multa sa traffic violation sa Mero Manila, puedeng ayusin sa Bataan

Multa sa traffic violation sa Mero Manila, puedeng ayusin sa Bataan

509
0
SHARE

LUNGSOD ng Balanga: Kung magkakaroon ng traffic violation sa ibang lugar tulad sa Metro Manila, maaaring  bayaran ang multa  sa Bataan.

Isa ito sa mga benepisyo sa isang kasunduan na nilagdaan sa pag-itan ni Assistant Sec. Vigor Mendoza II ng Land Transportation Office at ni Gov. Jose Enrique Garcia III  sa The Bunker, opisina ng provincial government.

Ang tinatawag na data sharing agreement ay magpapalawak sa pagbabahagi ng impormasyon at datos upang maging maayos ang sistema ng pagpapatupad ng batas trapiko lalo na sa kahabaan ng Roman Superhighway, sabi ng governor. 

“Bahagi  ng nasabing kasunduan ang pagpapatupad ng Single Ticketing System kung saan ang mga datos tungkol sa mga lumalabag sa batas trapiko sa Bataan ay ipagbibigay alam sa LTO upang mabigyan ng karampatang parusa na naaayon sa kanilang patakaran,” patuloy ni Garcia. 

‘Malaking tulong din  ito sa ating mga kababayan dahil mas mapadadali at mapagiginhawa ang pagbabayad ng multa dahil kung kayo po ay nagkaroon ng traffic violation sa ibang lugar tulad sa Metro Manila, maaari niyo na itong bayaran sa ating probinsya,” dagdag ng governor. 

Ayon kay Garcia, sa pamamagitan ng ganitong inisyatibo ay makaaasa ang lahat na paiigtingin ang pagpapatupad ng mga batas trapiko na titiyak sa kaligtasan ng bawat motorista na babaybay sa mga kalsada ng lalawigan.

Ipinamahagi rin  ang sertipiko sa mga nakapasa  sa isinagawang libreng Theoretical Driving Course.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here