Home Headlines Multa ng LTO sa temporary plate hinarang ng Senado

Multa ng LTO sa temporary plate hinarang ng Senado

201
0
SHARE
Pinangunahan ni Sen. Francis Tolentino ang pamamahagi ng ayuda sa 600 estudyante ng Jaen, Nueva Ecija. Kuha ni Armand Galang

JAEN, Nueva Ecija – Hinarang ng Senado ang Land Transportation Office sa plano nito na malawakang panghuhuli sa mga motorista na gumagamit ng temporary plate sa kanilang sasakyan, ayon kay Sen. Francis Tolentino nitong Sabado.

Para kay Tolentino isang “kalokohan” na pagmumultahin ang motorista ng LTO sa bagay na ang ahensiya ang may kasalanan. “Bumili kayo ng motorsiklo, nagbayad ka para sa plaka. Binayaran na hindi naman nag-isyu ng plaka tapos pagmumultahin ka.” 

Batay aniya sa polisiya ng LTO na nakatakda sanang ipatupad noong Dec. 31, 2024 ay papatawan ng P5,000 multa ang bawat motorista na gumagamit ng temporary plate o improvised na plaka.

“Eh ang me kasalanan naman nun LTO,” paliwanang niya. Dahil dito ay nakipagnegosasyon umano sila sa LTO. 

Sinulatan umano niya at nagsagawa ng pagdinig hanggang sa sumang-ayon ang ahensiya na hindi muna ipatupad ang panghuhuli sa temporary plates.

Samantala, sa kanyang pangunguna sa distribusyon ng tig-P2,000 na ayuda ng pamahalaan sa 600 kabataan ng bayang ito ay hinikayat ni Tolentino ang mga estudyante na pagsikapang makatapos ng pag-aaral upang itaguyod ang kanilang pamilya at makatulong sa bayan.

Kasama sina Mayor Sylvia, Austria, Vice Mayor Atty. Sylvester Ausyria at mga miyembro ng sangguniang bayan, namahagi rin ang senador ng food packs para sa mga benepisyaryo at wheelchairs sa ilang persons with disabilities ng bayang ito.

Bago rito, si Tolentino ay nagsalita sa pulong ng mga punong barangay at opisyales ng Cabanatuan City kung daan siya ay sinalubong nina Nueva Ecija 3rd District Rep. Ria Vergara, Mayor Myca Elizabeth Vergara, Vice Mayor Jay Vergara na kanyang mga ka-partido sa Partido Federal ng Pilipinas, at iba pang opisyal ng lungsod.

Sa Cabanatuan City ay kasama niya si dating Sen. Manny Pacquiao.

Sinabi ni Pacquiao na bagama’t 12 sila sa koalisyon ng administrasyon ay tatlo lamang sila sa partido ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kasama sina Tolentino at dating Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here