Muling mabubuhay ang romansang naudlot? Richard Gutierrez, Anne Curtis balik-tambalan

    346
    0
    SHARE
    Kapag nagkataon, lalong magiging makulay ang buhay ngayon ni Richard Gutierrez.

    Si Anne Curtis, ang makakapareha ni Richard Gutierrez sa bagong pelikula sa GMA Films na co-produced ng Viva Films.

    Wala pang titulo ang naturang pelikula pero kinunan ng teaser last Monday na ipalalabas next week at sa mga susunod na linggo.

    June or July ang playdate ng pelikula sa direksyon ng isang mahusay na director na ayaw pang ipabanggit ang pangalan, basta may dinidirek siyang soap sa GMA-7 ngayon.

    Hindi pa rin kumpleto ang cast at pagbalik pa ni Anne from Europe sisimulan ang shooting.

    Ang pelikulang ayaw pang ipaalam ang title ang pagkakaabalahan ni Richard bukod sa Zorro, first team-up nila ito ng ex niyang si Anne at tiyak na mabubuhay ang isyung pagkalat ng litrato nila sa cellphone na naghahalikan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here