Home Headlines MULA JAPAN P5-B chopper parts tinanggap ng PAF

MULA JAPAN
P5-B chopper parts tinanggap ng PAF

636
0
SHARE

CLARK FREEPORT — Pormal nang tinanggap ng Philippine Air Force (PAF) sa pangunguna ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga donasyong Utility Helicopter-1 spare parts ng Japanese government sa ating bansa na nagkakahalaga ng P5 bilyon.

Binindusyunan ang naturang mga pyesa bilang bahagi ng acceptance and turn over ceremony na ginanap sa Haribon Hangar nitong Martes.

Ang mga brand new spare parts ay kinabibilangan ng mga gear box, tail rotor hub assembly, scissors and sleeve assembly, engine assembly, main generator, swashplate assembly at main rotor blade.

Ayon kay Lorenzana, nagpapasalamat sila sa tulong na ibinigay na ito ng bansang Japan na magiging kapaki-pakinabang sa 505th Search and Rescue Group at ang 205th Tactical Helicopter Wing na nagsasagawa naman ng mga humanitarian assistance, disaster response at airlift operations ng PAF.

Umaasa siya na hindi dito nagtatapos ang pagtulong ng Japan sa atin upang patuloy na matamo ang kapayapaan sa Pacific Region.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here