Nag–iisang tricyle sa commercial district ng Balanga.
LUNGSOD NG BALANGA — Araw ng Linggo, pangalawang araw ng modified enhanced community quarantine sa Bataan, na halos walang pagbabago kung ihahambing sa nakaraang ilang buwan nang ang lalawigan ay isailalim sa enhanced community quarantine.
Ang dating abalang Capitol Road sa Balanga na noong wala pa ang nakamamatay na coronavirus disease ay nagsisiksikan ang mga sasakyan ay mangilan-ngilang tricycle at kotse lamang ang dumaraan ngayong MECQ na tulad din ng ECQ pa.
Ang mga tricycle ay hindi naman daw namamasada kundi service lang sa pamimili ng mga may-aridiumano.
Ganoon din ang lansangan sa commercial district, sa tabi ng Plaza Mayor de Balanga at ng St. Joseph Cathedral na kung ano ang itsura nito noong ECQ ay katulad din ngayong MECQ na. Malayong-malayo noong wala pang Covid–19 na puno ito ng tao at mga sasakyan.
Wala ang dating nagsasalimbayan at maingay na mga sasakyan at mga tao sa plaza dahil pinatahimik ng ECQ at maging ng MECQ.