Home Headlines Mula DA para NE farmers: 2 cold storage facilities

Mula DA para NE farmers: 2 cold storage facilities

516
0
SHARE
Pormal turnover ng DA sa grupo ng mga magsasaka ng cold storage facility sa San Jose City. Contributed photo.

LLANERA, Nueva Ecija — Dalawang cold storage facilities na kapwa may kapasidad na 10,000 bags ng sibuyas ang pormal na ipinagkaloob ng Department of Agriculture sa mga magsasaka ng Nueva Ecija nitong Huwebes.

Sa pangunguna ng High Value Crops Development Program (HVCDP) ay unang ipinagkaloob ang unang 10,000-bag capacity onion cold storage sa Barangay Caridad Sur sa bayang ito. 

Pormal itong tinanggap Caridad Sur Farmers Multi-Purpose Cooperative na nagpahayag ng kagalakan sa kanilang natanggap na pasilidad at kagamitan. 

Kinahapunan ay isinalin na rin ang pagmamay-ari ng isa pang 10,000-bag capacity onion cold storage sa Kalasag Primary Multi-Purpose Cooperative sa Barangay San Agustin, San Jose City.

Pinangunahan nina HVCDP national director Gerald Glenn Panganiban at DA- Central Luzon executive director Crispulo G. Bautista, Jr. ang naturang mga aktibidad.

Samantala, binisita ni Panganiban at iba pang opisyales ng kagawaran at lokal na pamahalaan lang opisyales ang “Vegetable Derby” sa Barangay Porais, San Jose City. 

Programa ng pamahaalang lungsod sa pangunguna ni Mayor Mario Salvador na sinimulan noong ika-19 ng Disyembre 2023, makikita sa lugar ang mga gulay na itinataguyod ng iba’t ibang growers.

Kabilang sa mga kalahok sa proyekto ang Ramgo International Corp., Bayer, Enza Zaden, East-West Seed, at Pilipinas Kaneko Seeds Corp. 

Ayon kay Salvador, nasa may kabuuang 7,000 square meters ang lawak ng pagmamay-ari ng farm cooperator na si Anacleto Cabia na kinaroroonan ng vegetable derby. 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here