Home Headlines MRF ng subdivision inirereklamo dahil sa mga langaw

MRF ng subdivision inirereklamo dahil sa mga langaw

859
0
SHARE
Ang residenteng si Rodanie Francisco nang makapanayam ng Punto! habang nasa inirereklamo niyang MRF. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MEYCAUYAN — Inirereklamo ng ilang mga residente ang perwisyong dala ng mga langaw na nagmumula sa mga nakatambak na basura sa materials recovery facility (MRF) ng Deca Homes Subdivision sa Barangay Saluysoy sa lungsod na ito.

Reklamo ng isa sa mga residente na si Rodanie Francisco, nakatambak ang mga basura sa MRF na pinagpipiyestahan ng mga bangaw mula umaga hanggang gabi. Dahil dito ay hindi sila makapamuhay nang maayos at madalas na sumasakit ang tiyan na nauuwi sa diarrhea.

Nasa isang taon na daw niya itong inirereklamo pero walang nagiging tugon ang Project Management Office ng nasabing subdivision.

Ayon naman kay Jojo Del Mundo, Meycauayan CENRO officer, pribado ang lugar pero tumutulong naman sila para magpahakot ng basura dito. Aminado sila na mag-iisang taon na itong inirereklamo ng mga residente.

Dahil sa reklamo ay pinuntahan ng DENR-Environmental Management Bureau Regional Office 3 ang MRF ng nasabing subdivision at nakitaan ito ng violation dahil sa hindi pag-segregate ng mga basura. Ipatatawag umano nila ang pamunuan ng subdivision para pag-usapan ang gagawing solusyon sa problema.

Kung hindi tatalima ang pamunuan ng nasabing subdivision ay saka nila ito sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9003 (Solid Waste Management Act).

Tumanggi naman na magbigay ng panig sa Punto! ang pamunuan ng Deca Homes hinggil sa reklamo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here