MARIVELES, Bataan – Tumilapon ng may halos 25 metro ang layo at namatay ang dalawang magkaangkas na magkaibigan matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa road sign post sa gitna ng Roman Expressway sa Mt. View, dito bago magtakip-silim noong Huwebes.
Ayon kay Senior Supt. Arnold Gunnacao, Bataan police director, idineklara ng doktor sa Bataan General Hospital na dead on arrival si Jerry Libanan, 25, driver ng motorsiklo at ang kaangkas niyang si Jemark Tolentino, 23; parehong may-asawa ng barangay Mt. View.
Matapos mabangga ang sign post na may markang “Slow Down” sa gitna ng expressway sa tapat ng Blessed Regina Protman Catholic School, mistulang lumipad mula sa kanilang motorsiklo ang dalawa.
Bumagok ang ulo at katawan ni Libanan sa kongkretong daan samantalang humampas naman si Tolentino sa parating na Hi-Lander van na nasa kabilang lane na diumano’y nakapag-preno.
Yupi ang bumper at basag ang headlight ng van kung saan sumadsad at tumama si Tolentino. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa driver ng van na si Eduardo dela Cruz na tubong Batangas, sabi ni police information officer Insp. Dennis Orbista.
Ang magkaibigan diumano ay masayang nagkayayaan na magmeryenda sa kalapit na barangay ng Cabcaben at pauwi na nang mangyari ang trahedya.
Kaarawan ng pagsilang ni Libanan na isang tricycle driver at may dalawang anak noong Biyernes.