Home Headlines Most Wanted sa Bataan huli

Most Wanted sa Bataan huli

658
0
SHARE

HERMOSA, Bataan — Ang itinuturing na Most Wanted sa Bataan na diumano’y prime suspect sa pagkakapatay sa mag-asawang negosyante halos pitong buwan na ang nakakaraan ay bumagsak sa kamay ng pulisya nitong Linggo.

Ayon kay Police Major Madtaib Jalman, Hermosa police chief, nadakip sa Guimba, Nueva Ecija si Bernald Nicolas, 50, ng Hermosa, sa bisa ng alias warrant of arrest.

Umabot umano sila ng Baguio City sa paghahanap sa suspect. “Tuloy-tuloy ang aming paghahanap sa kanya hanggang malaman namin na sa Nueva Ecija siya nagtatago,” sabi ni Jalman.

Joint operation umano ng Criminal Investigation and Detection Group ng Baguio City, Guimba police at Hermosa police ang isinagawang pagdakip sa suspect.

Prime suspect diumano ito sa pagkakapatay sa mag-asawang Reggie, 42 at Erlie Cubilla, 40, noong December 8, 2018. Dalawang batang anak, edad 17 at 10, ang naiwan ng mag-asawa.

“Nahaharap siya sa kasong robbery with double homicide,” sabi ng hepe ng puisya.

Ilang metro na lamang ang layo ng mag-asawa sa kanilang bahay sa Barangay Palihan, Hermosa sakay ng delivery truck na minamaneho ng lalaki nang tambangan ng dalawang suspect na sakay ng motorsiklo.

Ilang araw ang lumipas, nahuli ng mga pulis si Leonardo Rieza, 37, na kasama diumano ni Nicolas. Napatay ito sa Hermosa police station matapos diumanong mang-agaw ng baril.

Matapos mapatay si Rieza, naglaan ang Hermosa municipal government sa pangunguna ni Mayor Jopet Inton ng P500,000 reward money sa pagkakadakip sa main suspect.

Pansamantalang nakakulong si Nicolas sa Hermosa police station.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here