“Most awarded city Dads”

    512
    0
    SHARE
    SA PAKIWARI ng inyong abang-lingkod
    Di na mapigil ang biglang pagbulusok
    Sa rurok ng kasikatan itong lungsod
    Ng mga ‘most awarded’ na Fernandinos

    Na kagaya nina Cong. Oca Rodriguez
    ‘And first ever in history uncontested
    Mayor Ed Santiago (since he’s one of the best
    City Dads, this so fast booming town ever had)

    Pagkat tunay namang itong pueblo lamang
    Sa nangakaraang ’14 years’ isa nang
    Maunlad na siyudad sa kasalukuyan,
    Bunsod ng matapat na panunungkulan.

    At ng epektibong serbisyo publiko
    Ng magkakasunod na city Dads nito,
    Na sina Dr. Rey, Rodriguez, Santiago
    At ang mga naging katuwang sa puesto.

    Na kagaya ngayon ni V. M. Lazatin
    At mga councilors na maasahan din
    Sa pagtupad ng opisyal na tungkulin
    At iba pang bagay na marapat tupdin.

    Di na mabilang ang natanggap na ‘award’
    Nitong City of San Fernando, magbuhat
    Nang si Cong Oca ay mag-Mayor ng Siyudad
    Hanggang sa si EdSa ang maging City Dad.

    At mapabilang sa mga magagaling
    Na Mayor, hindi lang sa probinsya natin,
    Kundi pati na sa buong bansa pa rin,
    ‘As one of the Best Mayor of the Philippines’

    At kamakailan ay itong San Fernando,
    Sa ikalawang taon ay napili ito
    Bilang isang ‘Most Business Friendly LGU
    In the entire country,’ kaya nga’t sabi ko:

    Dapat ikatangos ng ilong ng bawat
    Fernandino at ng iba pang kasiyudad,
    Dahil ano pa man kasing kaakibat
    Ng bagay na ito ay dangal ng lahat.

    Nasasalamin sa ‘award’ na nakamit
    Ng pamahalaang lungsod ang ‘Collective
    Effort’ nitong bawat isang opisyales
    Upang mapabuti n’yan ang public service.

    Pagkat tunay namang sa lungsod na ito
    Ay nagagawa riyan ng mga empleyado
    Ang pagproseso ng mga dokumento,
    Sa loob lamang din ng ilang minuto.

    Kaya naman itong investors sa lungsod
    Ay tunay naman ding nasisiyahang lubos
    Sa klaseng serbisyong laang ipaglingkod
    Ng mga kawaning mabilis kumilos.

    At ‘hassle free’ sabi nga ng karamihan
    Pagkat di “mamaya na” ang kasagutan
    Nitong ‘officers’ sa alin mang tanggapan
    Ng city hall kundi “sandali po lamang”.

    The city was cited for the outstanding
    Efforts in governance and in instituting
    Good reforms to promote local trade, and doing
    Business services to fuel up everything.

    ‘The National Competitiveness council,’
    Kinilala nila itong lungsod natin
    ‘As the second most competitive’ na rin
    Dahilan na rin sa lahat magagaling.

    And as a part of the award, PCCI
    Will fund the construction of a building, elsewhere
    In this world class city within the given time
    As it is so needed for the next school year!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here