Home Opinion ‘More alternatives are suggested’

‘More alternatives are suggested’

834
0
SHARE

ILANG araw na lang ang ipaghihintay
natin, tapos na ang ‘extension,’ kabayan
nitong ‘total lockdown’ na inaasahang
sa ECQ ang siyang magiging batayan.

Kung naging ‘effective’ para sa intension
ng gobyerno, (lalo ni Pangulong Digong)
ang pagpapairal n’yan sa buong Luzon,
upang di dumami ang magka-impeksyon.

(Kaya lang, nang dahil sa katigasan nga
ng ulo ng ibang parang bale-wala
lang sa kanila ang mas grabeng pinsala,
na kakaharapin, mas lumobo yata?)

Aywan nga lang kung itong nasabing
ECQ, lalo na ang ‘social distancing’
na dapat isa-katuparan at sundin
ng lahat sa ibang bayan nakarating.

Kasi nga, kung itong utos ni Pangulo
ay di dinedma lang r’yan ng ibang tao,
walang pasubaling di bababang piho
ang bilang nitong sa ‘virus’ apektado.

Partikular na r’yan sa Metro-Manila
na higit ang dami nitong pasaway ba?
Kaysa sa Sentral Luzon mga nakatira,
anong maasahan kundi todo pasa?

Ang mga paglabag sa ‘social distancing’
at ng mas ika ngang mga matitinding
mga di pagsunod n’yan sa ‘self quarantine’
na araw-araw ay nakikita natin.

Kaya kung hindi man posibleng ‘extension
ng ipinag-utos ni Pangulong Digong
na ‘total lockdown’ ay kanya nang ituloy
itong aniya’y utos na ala ‘martial law’.

Na military na’t saka kapulisan
ang sa direktiba niya magpapairal,
na siyang epektibo sa ganang pananaw
ng nakararami nating kababayan.

Kaysa kagaya n’yan na anumang higpit
ang gawin ng ating ibang ‘authorities,’
ang  tigas ng ulo itong nananaig
sa kukote r’yan ng taong walang isip.

Na alam nang bawal itong isang bagay
ay patuloy pang nilalabag,  kundi man
animo ay kusang ang pamahalaan,
sinsubok kung gaano katigas ‘yan?

Aywan naman dito sa ating CHR
kung bakit imbes ang tagapagpairal
ng batas ang siyang purihin kung minsan,
‘violators’ itong higit tinitingnan?

Kapagka pulis o anumang ahensya
ng batas itong d’yan isinumbong nila,
umaaksyon agad, pero kapag itong una
ang naargabyado tameme lang sila.

So, kung hindi rin lang ‘anti constitution’
itong ninanais ni Pangulong Digong,
na balakin niyang tuluyang isulong,
gawin na, sa lalong madaling panahon.

Nang sa gayon itong pagiging pasaway
ng iba, na siyang naging dahilan
nitong pagkalat ng ‘virus’ ay tuluyang
mabura, kaysa tayo ang burahin n’yan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here