Mon Confiado kinarir ang pagiging bading

    541
    0
    SHARE
    Dream come true para kay Mon Confiado ang pagkapanalo niya sa katatapos na Famas Awards bilang best supporting actor para sa kanyang papel na sosyal na gay lawyer na may lihim na pagnanasa sa hunk actor na si Alfred Vargas sa pelikulang “Faces of Love” na dinirek ng National Artist for Film na si Eddie Romero.

    Agaw-eksena si Mon sa breakdown scene niya dito matapos mabuhay sa isang suicide attempt. Nang tinanong si Mon kung sino ang pattern niya sa kanyang character sa nasabing pelikula na nagbigay sa kanya ng acting award…” “Actually ang peg ko sa character ko ay ilan sa mga bading na naging malapit sa akin- o iyong naging matalik kong kaibigan. Iniba ko talaga ang atake, ayaw kong maging overacting o stereotype. Marami akong naging close na mga gay, usually mga professional kaya swak talaga sa role. Pinag-aralan ko iyong details ng movement nila, manner of speaking and inner emotion. Kinarir ko kasi ayaw kong mapahiya sa ating National Artist For Film na si Direk Eddie Romero…” pagkukuwento nito.

    Dahil dito malaki ang pasasalamat ni Mon sa mga bading na close niya dahil sila ang naging dahilan upang magampanan niya ng tama ang kanyang role sa pelikula. Bukod dito iniintriga si Mon dahil unang-una niyang pinasalamatan sa kanyang acceptance speech ay si Direk Don Escudero na na-link sa kanya nuong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz…” Hindi na tayo bagay sa isyu na ‘yan. Siyempre naman, hindi ko puwedeng kalimutan si Direk Don kasi tinulungan niya ako nung totally wala akong name sa showbiz. Mataas ang respeto ko kay Direk Don at kahit hindi ko na siya nakikita lately habambuhay akong nagpapasalamat sa kanya…”dagdag ni Mon na umaamin na pro-gay siya at may respeto sa mga miyembro ng third sex.

    Bukod kay Direk Don Escudero, pinasalamatan ni Mon si Direk Joey Reyes kung saan nakagawa siya rito ng 40 pelikula at ang “Luksong Tinik” na dinirek nito ay nagbigay sa kanya ng best supporting actor nomination sa Manila Film Festival. Si Direk Peque Gallaga na unang nagbigay ng break sa kanya sa pelikulang “Panday” at “Shake Rattle and Roll”. Si Direk Chito Rono na paborito siyang isama sa mga big-budgeted horror films nito at nominated siya sa “Babae Sa Bintana” na nabigyan uli siya ng best supporting actor nomination. Kasama rin sa piunasalamatan ni Mon sina Direk Toto Natividad, Manny Castañeda at Joel Lamangan.

    Kung tutuusin hindi mukha ang naging puhunan ni Mon Confiado kung bakit siya may staying power bilang artista. Marami ang makakapagpatunay na  kaya siya naging paborito ng mga batikang direktor ay naging puhunan niya ang kanyang “talent”,mahusay na PR at “professionalism”.

    Sa kasalukuyan, busy ang award-winning actor sa pelikulang T2, isang horror film with a heart mula sa Star Cinema under the direction of Chito Roño. Full length role si Mon sa “ T2”kasama sina Ms. Maricel Soriano, Derek Ramsey,Techie Agbayan, Carmen Soo at Camille Pratts. May special participation siya Pieta ng ABS-CBN. Anytime ay magsisimula na siya sa “Totoy Bato” ng GMA-7. Kasama rin siya sa mga indie films na “Himpapawid” sa direksyon ni Raymond Red, sa “Sisa” sa direksyon ni CJ Andaluz at sa MMFF entry na “Ang Tanging Ina Part 2”.

    Apart from showbiz, tinutulungan ni Mon ang sister niyang si Kai sa pagma-manage ng 22nd st Comedy Bar na may branches sa Marcos Highway, Las Pinas at Cebu. Kamakailan lamang ay nagbukas sila ng SPA at “Steak Restaurant” sa Cebu.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here