Home Opinion Modernong gamit pandigma, sa sangkatauhan ang pupuksa

Modernong gamit pandigma, sa sangkatauhan ang pupuksa

144
0
SHARE

1.
Ang digmaan sa pagitan ng Israel at ng Iran
ang dulot ay malawakang tensiyon sa gitnang silangan kapag ito’y lumala pa ano ang kahihinatnan? at ang magiging epekto sa global na kalakalan maaaring magkaroon ng krisis pangkabuhayan kapag ang dalawang bansa’y nagpatuloy sa digmaan
2.
Ang Israel at Iran ay magkaalyado noon
ngunit naging magkaaway sa paglipas ng panahon simula ng magkaroon ng Islamic revolution ay doon na nagsimula na masira ang relasyon naging banta sa Israel ang malawakang produksiyon nitong Iran sa paggawa ng mga nuclear weapon
3.
At ayon sa kasaysayang sa aklat ay mababasa ang teokrasyang Islamic ay hindi na kinilala ang bansang Israel bilang dating kaalyado nila na humantong sa proxy war ang ugnayan ng dalawa partikular nang ang Iran ay tuwirang sumuporta sa hezbollah ng Lebanon, sa hamas at bansang Syria
4.
Ngunit ngayon ang hidwaan nauwi na sa digmaan na maaaring humantong sa maigting na labanan ang mga karatig bansa na mayrong base militar ng mga amerikano ay binoboma ng Iran mga OFW at inosenteng mamamayan labis na rin pangamba sa kanilang kaligtasan
5.
Sa pagkasawi ni Khomenei harinawa ay magbago ang takbo ng pangyayari sa peninsulang arabo sana’y mabigyan ng daan usaping diplomatiko sa mga bansa na lubhang nadadamay na sa gulo
kapag giyera’y nagpatuloy magdudulot ng peligro hindi lamang sa middle east kung hindi sa buong mundo
6.
At dahil sa moderno ang mga armas na pandigma ito ay itinututring na sandatang mapamuksa mga sari-saring missiles na likha ng mga bansa nagbabadya ng panganib at ng pagkapariwara ito’y walang sasantuhin kapag tumama sa lupa sa lawak na saklaw nito ay malaki ang pinsala
7.
Manalangin na lang tayong matapos na digmaan sa pagitan ng dalawang bansa sa gitnang silangan  mga kaalyadong bansa nitong mga naglalaban wag na sanang makilahok at makipagpasiklaban dahil kung magkakagiyera isa lang ang hahantungan
ang pagkawasak ng mundo na ating ginagalawan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here