Home Headlines Modern cold chain facility para sa Covid vax itinalaga sa Bulacan

Modern cold chain facility para sa Covid vax itinalaga sa Bulacan

660
0
SHARE

Si Mayor Tessie Vistan at mga kasapi ng local inter-agency task force sa kanilang pag-inspeksyon sa Royal Cargo Cold Storage. Kuha ng PIA-3



PLARIDEL, Bulacan
Itinalagang maging isa sa mga pag-iimbakan ng mga parating na bakuna laban sa Covid-19 ang isang bago at modernong cold storage facility dito. Sa ginawang inspeksyon ni Mayor Tessie Vistan, tinitiyak ng pamahalaang bayan ng Plaridel na ang naturang pasilidad ay kayang makapag-imbak ng hanggang 352,000 doses ng bakuna.

Isang world-class na pasilidad ang Royal Cargo Cold Storage na nasa Plaridel Bypass Road at kayang maglulan ng 384 pallets kada silid na pwedeng magkasya ang 11,000 doses.

Maaring mailagay dito ang mga uri ng bakuna na nangangailangan ng temperaturang 2 8 degrees Celsius.

Sinabi ni Elmer Sarmiento, pangulo ng Royal Cargo, na namumuhunan ng nasa P50 milyon ang kumpanya upang mas lawakan ang kanilang mga pasilidad dahil sa inaasahang pagdating sa bansa ng mga bakuna laban sa Covid-19.

Una na riyan ang pasilidad na may mahinang temperatura para sa mga bakunang gawa ng Pfizer-Biontech ng United States.

Dati na rin aniyang nag-iimbak ng mga pharmaceuticals ang Royal Cargo kaya’t matitiyak na lubos na maiingatan ang mga bakuna laban sa Covid-19.

Ang Royal Cargo, dagdag pa niya, ay matagumpay nang nakakapag-imbak at nakakapag-deliver ng isang milyong vials ng bakunang Penticiline sa temperaturang positive 2 degree Celsius.

Ang nasabing mga bakuna ay para sa iba’t ibang pagbabakuna ng Department of Health pang proteksiyon sa mga sanggol laban sa diphtheria, tetanus, pertussis, HepatitisB at H, at ang Influenza Type B.

Ayon kay Vistan, pinili ng pamahalaang bayan ang pasilidad na ito dahil sa mahabang karanasan sa larangan ng logistics management solutions para sa pharmaceutical and biotechnological. Shane F. Velasco/PIA3

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here