Home Headlines Modelong firefighting equipment ng ‘Gapo, SBMA tumulong sa pag-apula ng sunog

Modelong firefighting equipment ng ‘Gapo, SBMA tumulong sa pag-apula ng sunog

534
0
SHARE

BALANGA CITY — Tumulong na Miyerkules ng hapon ang mga makabagong firefighting equipment ng Subic Bay Metropolitan Authority at Olongapo City upang maapula ang apoy sa nasusunog na bahagi ng annex at main building ng Galeria Victoria sa lungsod na ito.

Nag-concentrate ang tatlong firetrucks ng SBMA at tatlo ring firetrucks ng Olongapo City katulong ang ilang firetrucks ng Bataan sa bahagi ng main building na nagsimulang masunog Miyerkules dahil sa pagkalat ng apoy at usok mula sa annex building.

Ginamit ng mga bumbero ng SBMA at Olongapo City ang mahabang automatic ladder upang marating ang 4th floor at roof deck ng main building na umuusok.

Patuloy na pinapatay ng mga bumbero ng Bataan ang apoy at makapal na usok sa bahagi naman ng annex building.

Nagsimulang masunog ang bahagi ng annex building Martes, alas-9:17 ng umaga ngunit dalawang araw na ay hindi pa rin fire out.

Ang annex building ay imbakan umano ng mga stocks ng Robinson department store at supermarket ganoon din ng ibang mga tindahan at scrap materials ng Galeria Victoria.

Marami diumanong chemicals sa annex building.

Ang main building naman ang pinaka-mall kung saan nandoon ang Robinson at ibang mga tindahan at ilang kainan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here