Home Headlines Mobile Training Program patuloy na isinusulong ng TESDA Nueva Ecija

Mobile Training Program patuloy na isinusulong ng TESDA Nueva Ecija

537
0
SHARE
Ibinalita ni Technical Education and Skills Development Authority Provincial Director Elpidio Mamaril Jr. na patuloy na isinusulong ng ahensya ang Mobile Training Program sa lalawigan ng Nueva Ecija. (Maria Asumpta Estefanie C. Reyes/PIA 3)

LUNGSOD NG CABANATUAN (PIA) — Patuloy na isinusulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang Mobile Training Program (MTP) sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Layunin nito na mabigyan ng aktwal na kasanayan ang mga mamamayan sa pagnenegosyo o pagtatrabaho.

Ayon kay TESDA Provincial Director Elpidio Mamaril Jr.,  patuloy ang pagtatayo at pagdaragdag ng mga Mobile Training Laboratory upang matugunan ang mga nakatira sa malalayong lugar o mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas.

Dagdag pa ni Mamaril, maaari ring magsagawa ng MTP ang mga rehistradong Technical Vocational Institutions sa lalawigan.

Kaugnay nito ay pwedeng makipag-ugnayan ang mga nais kumuha ng MTP sa hotline ng TESDA Nueva Ecija sa numerong 09178072932 o magpadala ng mensahe sa kanilang email address na region3@tesda.gov.ph o  personal na magtungo sa kanilang opisina na matatagpuan sa Purok 4, San Josef Sur sa lungsod ng Cabanatuan.

Sinabi ni Mamaril na laging nakahandang tumulong ang TESDA sa mga nasasakupan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga scholarship program upang magkaroon ng mga kasanayang makatutulong sa pagkakaroon ng trabaho at negosyo.

Nagsilbing panauhin si Mamaril sa kamakailang episode ng programang Leaders In Focus ng Philippine Information Agency na hangad maipalaganap ang maraming inisyatibo at programang isinusulong ng pamahalaan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan. (CLJD/MAER-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here