Pero ang mga sex video palang kinunan ni Mo kay Hayden ay napasakamay ni Dr. Belo dahil nagtraydor nga si Mo. Na ewan kung may kasamang malaking halaga kaya napilitan si Mo na ilaglag si Hayden.
Sa puntong ito, hindi pa naman napatutunayang si Mo nga ang nagbigay ng mga sex video. Pero may malaking katanungan nga kung paano napunta kay Dr. Belo gayung si Mo lamang talaga ang may hawak ng mga kopya ng mga video.
Alangan naman kasing may pinagbigyan si Mo sa mga kopya hanggang mapunta ito sa kamay ni Dr. Belo.
O baka naman, walang kaalam-alam ang mga taong nagparating ng mga kopya kay Dra. Belo na sa ganitong sitwasyon mapupunta ang lahat?