Home Headlines Miyembro ng int’l terror group timbog

Miyembro ng int’l terror group timbog

675
0
SHARE

IBA, Zambales –Isang pinaghihinalaang miyembro ng international terror group ang nahuli ng pinagsanib na mga law enforcement agencies nitong Lunes sa Barangay Lipay Dingin sa bayang ito.

Kinilala ang suspek na si Cholo Abdi Abdula, 28, nanunuluyan sa Resaca Hotel sa Iba, habang nag-aaral magpalipad ng eroplano sa isang flying school.

Ang suspek ay dinakip ng pinagsanib na puwersa ng CIDG, RIU3, ISAFP, NICA CTIC, JTF NCR at Zambales PNP sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Emmanuel Silva ng RTC, Branch 4, Mariveles, Bataan sa kasong paglabag sa RA 10591 (llegal possession of firearms and ammunitions) at RA 9516 ( possession of explosives).

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang 9mm na baril, improvised explosive device, granada at bomb-making components sa kanyang tinutuluyang hotel sa harap ng flying school kung saan siya nag-aaral.

Ayon sa ulat, ang suspek ay miyembro diumano ng Al Shabaab na kasapi sa Al Qaeda terror group.

Nabanggit sa police report na ang naturang suspek ay kasalukuyang gumagawa ng research ukol sa iba’t ibang aviation threats, aircraft hijacking at paggawa ng palsipikadong travel documents.

Matatandaan na bago ang nangyaring 9-11 attack sa America, nag-aral dito sa bansa ang isa sa mga suspek na umatake sa mga government buildings doon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here