Miss International Bea Santiago sinungaling?

    292
    0
    SHARE

    NABASA NAMIN yung emote sa Facebook ng ama ni Bea Santiago. Sa himig ni Mister Santiago, sobrang siniraan siya ng anak dahil sa matinding kasinungalingan nito. Pinalabas daw siyang masamang tao na basta na lang iniwan ang pamilya at hindi na tinustusan.

    Pero inisa-isa ng tatay ni Bea ang mga kabutihang ginawa nito sa pamilya at sinabi ang totoo kaya kung paniniwalaan si Mr. Santiago, sobrang pagsisinungaling ni Bea at nagtataka siya kung bakit ganito ang aktitud ng kanyang anak na beauty queen. Isang halal na lingkod-bayan sa Masbate si Mister Santiago at aniya hindi maganda na sarili pa niyang anak ang sumsira sa kanya.

    Kaya nga aniya pa, kailangang mag-public apology ang anak o kung hindi mapililitan siyang gumawa ng hakbang para ma-dethrone ang anak sa kanyang international crown. Abangan natin kung paano magwawakas ang kontrobersyang ito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here