BALANGA CITY – Pansamantalang tumila ang ulan habang nagpapatalbugan sa talent at swimsuit competitions ang 11 kandidata sa pagka-Ms. Bataan 2009 noong gabi ng Linggo sa grand ballroom ng Lou-is Restaurant dito.
May sumayaw, may umawit, may nag-drama sa mga kandidatang mula sa bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Pilar, Orion, Mariveles, Bagac at Morong at siyudad ng Balanga habang walang sawang pumalakpak ang kanilang mga tagatangkilik.
Tanging ang bayan ng Limay ang hindi sumali sa patimpalak sa hindi malamang dahilan.
Ang Miss Bataan ay inilunsad ng pamahalaang panlalawigan sa pakikipagtulungan ng Bataan Tourism Council Foundation, Inc.
Lalo ng uminit ang malamig na gabi sa masigabong palakpakan nang lumabas isa-isa ang mga kandidata sa kanilang swimsuit sa saliw ng nakakakiliting tugtugin.
Naging punong-abala sa masayang gabi si Gng. Vicky Garcia, chairperson ng Bataan Tourism Council Foundation, katulong ang asawa ng mga punong-bayan. Dumalo sa gabi ng mga naggagandahang dilag ng Bataan ang butihing Gubernador Enrique Garcia, ang kanyang anak na si Balanga City Mayor Jose Enrique Garcia III at ibang mga municipal mayors.
Naroon din si Gila Garcia, isa sa mga director ng Subic Bay Metropolitan Authority. Ang SBMA ay isa sa mga sponsors ng pageant. Ang mga hurado ay mula sa iba’t-ibang tourism councils sa Olongapo, Tarlac at ibang bahagi ng Region 3.
Masiglang lumahok ang ilang local reporters sa Bataan at pinili nila bilang “Darling of the Press” ang kandidata mula sa Mariveles o Candidate No. 7 na si Anilu Sequitin.
Sina Roger Macalinao, provincial information officer at Greg Refraccion, correspondent ng Philippines Daily Inquirer, ang nag-alay ng bouquet at nagkabit ng sash sa magandang dilag.
Gaganapin ang Coronation Night sa ika-20 ng Setyembre, alas-7 ng gabi, sa Bataan People’s Center sa Balanga City kung saan pipiliin ang mapalad na Ms. Bataan 2009 at ang tatlong runner-ups.