Misis ni Jee sumalang sa pagdinig sa kaso ng pagpatay sa Koreano

    313
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG ANGELES — Sumalang na sa korte bilang ikatlong testigo ng prosekusyon ang asawa ni Jee Ick Joo, ang Koreanong dinukot at pinatay umano ng mismong mga pulis.

    Gamit ang isang Korean Interpreter ay humarap sa si Kyung Jin Choi sa Angeles RTC Branch 58. Sina SPO3 Ricky Sta. Isabel, Supt. Rafael Dumlao at iba pang mga akusado ay nahaharap sa mga kasong klidnapping, carnapping at kidnapping with serious illegal detention.

    Si Nam Changco na itinalaga ng Office of the Court Administrator ng Korte Suprema ang nagsilbing interpreter ni Choi sa pagdinig.

    Natapos ni Choi ang pagbibigay ng kanyang testimonya hinggil sa pagkamatay ni kanyang asawa.

    Sumalang din si Choi sa direct examination, cross-examination, re-direct examination at re-cross examination.

    Binibigyan naman ng hukuman ang piskalya ng hanggang limang araw para magbigay ng komento sa inihaing motion for bail ni Sta. Isabel.

    Habang may nakahain ding kaparehong mosyon si Dumlao at motion to discharge naman ang isa pang akusadong si Villegas.

    Gwardyado ng NBI at PNP ang mga akusado mula nang dumating at umalis sa hukuman.

    Matapos ang pagdinig ay ibinalik na sa kani-kaniyang detention area ang mga akusado at inatasan ng korteng dumalo sa susunod na pagdinig na ikinasa sa ika-16 ng Nobyembre.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here