Home Headlines Minura ni Duterte dahil sa SAP anomaly: Kagawad sinampahan ng patong-patong na...

Minura ni Duterte dahil sa SAP anomaly: Kagawad sinampahan ng patong-patong na kaso

969
0
SHARE

Ang mga nagrereklamong binawian ng ayuda nang magtungo sa tanggapan ng Bulacan NBI. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG MALOLOS
— Sinampahan ng patong-patong na kaso ng National Bureau of Investigation si barangay kagawad Danny Flores ng San Agustin, Hagonoy na nagviral sa social media na bumawi sa kalahati ng Social Amelioration Program funds mula sa mga benepisyaryo.

Matatandaan na si Flores ay minura ni Pangulong Duterte kamakailan sa live television matapos malaman ang ginawa nitong iregularidad sa ayuda mula sa SAP.

Ayon kay National Bureau of Investigation-Bulacan acting agent in-charge Noel Bocaling, sinampahan nila si Flores ng mga kasong robbery, grave coercion, graft and corruption practices, violation of Bayanihan to Heal as One Act sa Department of Justice.

Ani NBI, kumpleto ang hawak nilang mga ebidensya laban kay Flores mula sa mga dokumento, mga taong binawian nito ng pera at ang mga pinagdalhan nito ng pera.

Sinubpoena na daw nila si Flores maging si Hagonoy Mayor Raulito Manlapaz para sa kanilang imbestigasyon at nagsumite na ito ng affidavit sa kanilang tanggapan samantalang abugado lamang ni Flores ang nagpunta dahil may sakit daw ito.

Nitong Lunes ng hapon nang nagsampa ng kaso sa DOJ ang mga nagrereklamo na binawian ng SAP na sina Roman Villamayor, Elizabeth Sevilla, Devorah Ebon, at ang uploader ng viral video na si Lon Villamayor, kasama ang NBI.

Ayon sa NBI, bukod kay Flores ay marami pa silang natanggap na reklamo kaugnay ng SAP funds na kanilang iniimbestigahan at kanilang tututukan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here