Home Uncategorized Millers muling nagbenta ng P38/kilo ng bigas

Millers muling nagbenta ng P38/kilo ng bigas

725
0
SHARE
Muling makakabili ang mga maralita ng tig-5 kilo kada araw ng P38/kilo ng bigas sa Intercity Bocaue. Kuha ni Rommel Ramos

BOCAUE, Bulacan — Muling nagbebenta ng P38 kada kilo ng bigas ang Intercity at Goden City Rice Mill Owners Association sa bayang ito at Philippine Rice Industry Stakeholders Movement para makabili ng murang bigas ang mga maralita sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa pamilihan.

Ito ay bahagi ng corporate social responsibility ng nasabing mga grupo na makatulong lalo na sa mga maralita na makabili ng abot-kayang bigas sa panahon ngayon.

Ayon kay Geevie David, presidente ng Intercity Rice Mill Owners Association, pawang mga well milled rice ang nasabing murang bigas na mula sa Intercity Industrial Estate at Golden City Business Park.

Ang kada pamilya ay makabibili ng maximum na limang kilo kada araw para mas marami ang maralitang makabili ng P38/kilo ng bigas.

Tinataya naman na nasa 50 hanggang 100 na kaban kada araw ang maibebenta ng nasabing mga grupo sa ibat-ibang bahagi ng bansa kada araw.

Target nila na makapagbenta ng murang bigas hanggang sa Setyembre kung kailan matatapos na din ang panahon ng lean months.

Plano nilang ibaba ang naturang programa sa ibat-ibang barangay para mas marami ang mga maralita na matulungan.

Matatandaan na kalagitnaan ng Hulyo ng magsimulang magtinda ng P38/kilo ng bigas ang nasabing mga grupo ngunit pansamantala itong naitigil.

Samantala, marami naman ang natutuwa na mga nakabili ng murang bigas na makokonsumo daw nila ang limang kilo ng hanggang tatlong araw.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here