Home Headlines Miller huminto sa pagbili ng palay, magsasaka umaaray sa pagkalugi

Miller huminto sa pagbili ng palay, magsasaka umaaray sa pagkalugi

2350
0
SHARE

BOCAUE, Bulacan —- “Stop Buying” ng mga palay ngayon ang ilang mga miller sa Intercity sa Balagtas at Bocaue, Bulacan dahil sa maraming dumarating na imported na bigas galing ng Vietnam at Thailand.

Ayon sa mga miller, madami kasi ang mga imported rice ngayon na mas mura at mas magaganda ang kalidad kumpara sa mga palay ng mga local farmers na pangit ang kalidad na nabibili.

Sinabi ni Narciso Buko, isang miller, na mas kikita sila sa imported na bigas dahil fixed na ang presyo nito na papatungan na lang ng tubo kumpara sa palay na gagastusan pa ang pagkiskis at ang maari pang ma-short ang timbang kapag nagiling na.

Ayon naman kay Glenda Tenorio, manager ng isang rice mill, noong nakaraang linggo pa ang kanilang huling pagkakabili ng palay.

Bukod sa maganda ang imported rice ay mura pa ito kumpara sa bigas sa ating bansa.

Kung tutuusin aniya, kung maibabalik ang dating ani ng mga magsasaka na maganda ang kalidad ay mas maganda pa ito at mas masarap kumpara sa imported rice.

Kinakailangang din na mabalanse ang pag-aangkat ng bigas upang hindi tuluyang maiwan ang mga magsasaka.

Samantala, lugi na ang mga magsasaka sa Barangay Santor sa Malolos, Bulacan dahil sa sitwasyong ito.

Ayon kay Melencio Domingo, pangulo ng mga magsasaka ng barangay, “stop buying” ang palay ngayon sa mga traders dahil puno ang mga bodega nito ng mga imported na bigas.

Kayat ang kanyang ani na palay mula pa noong buwan ng Enero ay naka-stock pa rin hanggang ngayon sa kanyang bodega at hindi nabibili.

Sa halip daw kasi na palay ang bilhin ng private sector ay mas pinipili na ng mga ito ang imported na bigas magmula ng ipatupad ang Rice Tariffication Law.

Kayat may mga kapwa magsasaka na nga daw sa kanila ang nagpaplano nang ibenta na lamang ang palayan dahil sa pagkalugi.

Lugi na sila at hindi mabawi ang mga nagastos sa bukirin mula sa land preparation, punla, mga pataba, pesticides, gasolina sa araro at upa sa farm laborer hanggang sa pag-ani.

Lumalabas na ang puhunan niya kada kilo ng palay ay nasa P12.50 samantalang ang bilihan ng palay ngayon ay nasa P12.00 hanggang 14.00 lang kayat hindi nila maibenta ang palay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here