MALOLOS CITY – “Sila ang hindi dapat maupo sa Kongreso.”
Ito ang naging pahayag ni retired General Jovito Palparan bilang tugon sa mga militanteng mambabatas na bumatikos sa posibleng pagpasok niya sa Kongreso bilang pangunahing nominee ng Bantay party-list.
Ayon sa retiradiong heneral, kung may ugnayan pa rin ang mga militanteng mambabatas sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA), ito ay nangangahulugan na may bahid din ng karahasan ang kanilang mga kamay.
“Hindi pa nila nire-renounce ang link nila sa NPA, at posibleng active pa sila,” ani Palparan ng makapanayam sa telepono.
Isa sa inihalimbawa niya ay si Rep. Satur Ocampo ng Bayan Muna party-list na sinabi niya na dating NPA at nakasuhan pa.
Ayon kay Palparan, niloloko ng mga militanteng mambabatas ang mga tao at inaabuso ang resources ng gobyerno.
“They should not be in Congress, sila ang di dapat maupo doon,” ani Palparan.
Nagkaroon ng posibilidad na maupo sa Kongreso si Palparan bilang nominee ng Bantay party-list matapos magdesisyon ang Korte Suprema na dapat bigyang pagkakataon ang mga kinatawan ng 32 party-list na na kumapanya at nakaipon ng boto noong 2007 elections.
“We thought that it was over in 2007 when we were not included to those who were proclaimed,” ani ng dating heneral at sinabing nagsampa sila ng petisyon sa Supreme Court para irekonsidera ang kanilang sitwasyon.
Hinggil naman sa diumano’y kakulangan sa pondo sa pagpasok ng 32 party-list representative sa Kongreso, sinabi ni Palparan na “sanay na kami diyan, kahit walang budget okey lang, dalawang taon na nga kaming nagtiis.”
Patungkol sa akusasyon na sangkot siya sa mga karahasan at paglabag sa karapatang pantao, sinabi ng retiradoing heneral na “wala pa naman silang napatunayan sa kanilang akusasyon.”