Home Headlines Micro-businesses sa Zamboanga tuloy ang recovery kahit hirap ang sitwasyon

Micro-businesses sa Zamboanga tuloy ang recovery kahit hirap ang sitwasyon

627
0
SHARE
Kahit sa gitna ng pandemya, bukas at matatag pa rin ang tindahan ni Lizaruth Morales, isang micro-business owner mula sa Zamboanga, dahil sa dagdag pondong nakuha n’ya sa BDO Network Bank Kabuhayan Loan.

Sa pagbubukas muli ng ekonomiya sa Zamboanga, maraming micro and small business owners ang nabigyan ng oportunidad na maka-recover at maipagpatuloy ang kanilang negosyo.

Karamihan sa MSMEs ay naghahanap ng pondong magagamit para maituloy ang business na pansamantalang naapektuhan o nagsara noong pandemya. Isa na rito si Lizaruth Morales, isang micro-business owner ng Saavedra, Zamboanga. 

Humina ang kita ni Morales noong kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) kaya’t nahirapan siyang panatilihing bukas ang kanyang tindahan.

Tulong pinansyal para sa MSMEs

Para hindi tuluyang magsara ang tindahan ni Morales, sinubukan n’yang lumapit sa BDO Network Bank, ang community bank ng BDO Unibank.

“Ang BDO Network Bank (BDONB) ay mayroong MSME Loan na tutulong sa mga negosyante para makabangon at mapalago pa ang kanilang negosyo. Maaari nilang ituloy ang kanilang mga plano sa negosyo para matupad ang kanilang mga pangarap para sa pamilya,” ani Karen Cua, BDO Network Bank senior vice president at MSME head.   

Sa ngayon, mayroon ng apat na BDO Network Bank branches at loan offices sa Zamboanga, kung saan maaaring mag-loan ang existing business owners ng Php 30,000 hanggang Php 500,000 ng walang collateral. Ang dagdag na pondo ay maaaring gamitin ayon sa pangangailangan ng mga negosyante, gaya ng pambili ng additional stocks, sasakyan o equipment, at iba pang business needs.

Naiintindihan ng BDO Network Bank ang challenges na hinaharap ng MSMEs kaya’t ginawa ng bangko na affordable ang payment schemes. Maaaring pumili ang borrower ng easy installment payment terms mula 12 months hanggang 24 months.

Laking pasasalamat ni Morales na naging ka-partner niya ang BDO Network Bank. Sa tulong ng MSME Loan, nagkaroon siya ng ekstrang kapital para panatiliing bukas ang kanyang loading station.

Sa mga nais malaman kung paano mag-apply ng Kabuhayan Loan, bumisita lang sa BDO Network Bank website (https://www.bdonetworkbank.com.ph/), pumunta sa pinakamalapit na BDO Network Bank branch/ loan office sa inyong lugar,  o kaya’y mag-send ng private message sa official BDO Network Bank facebook page. (https://www.facebook.com/BDONetworkBankPH).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here