Michael Pangilinan topbills BNAKED Elite Super Model Quest

    319
    0
    SHARE
    Kahit may sarili nang career as a singer, aminado si Michael Pangilinan na marami pa rin siyang natututunan sa mga kapwa miyembro ng Harana na sina Marlo Mortel, Bryan Santos at Joseph Marco.

    Ang nasabing boy band ay binuo ng Star Music at sa ngayon, mayroon na nga silang single, ang Number One, na part ng OPM Fresh album, an exclusive compilation of the newest and freshest artists from Star Music.

    Bakit siya napapayag na sumama sa Harana gayung may solo career na nga siya?

    “Dati po, may grupo na ako, tapos hindi masyadong nag-click kasi hindi raw uso ang grupo. So, ngayon, nag-isip po ang ABS-CBN na parang baka pwedeng isama ako.

    “And sabi ko naman po, wala namang masama na sumama ako and sabi naman po sa amin, may kanya-kanya kaming career at hindi naman makakaapekto sa independent careers namin,” he said.

    Ang masasabi niyang turning point talaga ng kanyang singing career ay nang siya ang mapisil na mag-interpret ng Himig Handog 2014 P-Pop Love Songs finalist na Pare Mahal Mo Raw Ako ni Joven Tan.

    Of course, kung utang na loob din lang ang pag-uusapan, napakalaki raw ng utang na loob niya sa Walang Tulugan show ni German Moreno sa GMA-7, na unang-unang nagtiwala sa kanya at kinuha siyang mainstay matapos siyang sumali sa X Factor Philippines ng ABS-CBN nu’ng 2011.

    Kaya naman kahit nasa ABS-CBN na ulit siya, never daw niyang iiwan ang Master Showman.

    By the way, si Michael Pangilinan, along with Boobsie Wonderland ang magiging special guest ng BNAKED na gaganapin sa may 27 sa Music Museum.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here