Humanga ang marami kay Michael dahil hindi nito ikinaila ang kanyang sitwasyon ngayon at dating kasintahan. Humanga rin ang marami sa young singer na buong tapang niyang hinaharap ang kanyang responsibilidad sa kanyang magiging anak.
Nanghinayang naman ang iba dahil napakabata pa ni Michael para humarap sa isang napakalaking responsibilidad ng pagiging isang ama kung kelan unti-unti na nitong nare-realize ang kanyang mga pangarap bilang isang mahusay na mang-aawit.
Mainstay si Michael sa long-running late night show ng GMA, ang “Walang Tulugan with the Master Showman” hosted by veteran TV host na si Kuya Germs (Moreno) pero ngayong kasali siya sa second season ng “Your Face Sounds Familiar” ng ABS-CBN, tiyak na mahihinto na ang kanyang appearance sa WTWTMS.