HARD but fun ang experience ni Michael de Mesa sa Indio. Mahabang oras ng trabaho at malalalim na Tagalog ang dahilan niya.
“Fun kasi masaya naman ang mga tao, eh. Pang-ilang project na namin ito ni Sen. (Bong Revilla, Jr.),” saad ni Michael.
Bale two years ang kontratang pinirmahan ni Michael sa Kapuso. Ang Indio ang una niyang teleserye sa kontrata dahil ’yung una niyang ginawa ay nagsilbing bonus na lang, ang Kasalanan Bang Ibigin Ka?
Kailangan nga lang nilang magsakripisyo ng kanyang misis na nasa States ngayon.
“Hindi namin inakala na ganito ang mangyayari. So parang napag-usapan na lang namin, so sacrifice na lang muna. Eventually naman, magagawa namin ’yung original na plan,” rason ni Michael.
Nagbalik si Michael sa bansa sa remake ng Valiente na pinagbidahan din niya noon. Pero ’yung one shot deal na inakala niya ay nagtuluy-tuloy sa iba pang magagandang breaks.
After ng taping niya ng Indio, aalis muna siya ng bansa sa June 25. Meron kasi siyang isu-shoot na movie with Robin Padilla, ang 10,000 Hours na sa Berlin at Paris ang ilang location nila.
Isa rin sa dahilan ng pagpunta niya sa States ay upang dumalo sa kasal ng bunso na si AJ. Eh, si Geoff ba nagpaplano nang mag-asawa rin?
“Ewan ko kung nagpaplano siya. Pero hindi pa. Gusto niyang pakasalan si Carla (Abellana) pero wala pang… I like her very much. Pero career pa rin yata ang… But Geoff wants to marry Carla! Hindi rin niya masabi kung kelan! Ha! Ha! Ha! But if ever, si Carla ang gusto niyang pakasalan! Eh, boto naman ako kay Carla!” deklara ng senior aktor.
Eh, kumusta ang relasyon nila ni Direk Gina Alajar?
“Okey lang! Okey lang! We don’t see each other. Okey lang,” sagot niya.
Okey lang bang maidirek siya ng dating asawa?
“Depende! We’ll see! Ha! Ha! Ha! Nagkasama naman kami sa Valiente. But lately it’s been a while na nakita ko siya,” sambit ni Michael.